Monday, July 11, 2011

Mga Kasulatan Ko. BOW.

Mahilig ako magsulat ng mga istorya at mga tula.. noon. Mga 2 years ago. Hindi ko alam kung bakit ba sa mga araw na ito ay tamad na tamad akong magsulat ng mga istorya na pumapasok sa isip ko..

Hanggang ngayon ay marami paring mga inspirasyon na dumadaan sa akin. Biglang kikislap ang mata ko at may aiisip akong magandang storyline ng isang kwento. Matutuwa naman ako bigla at masasabik na isulat yung kwento na iyon.. tapos, bigla nalng akong tatamaan ng katamaran at hahayaan ko na lamang ang kwento na manatiling hindi-sulat sa isip ko.

Pero marami na akong nasulat.. medyo.. mga love story lahat. mahilig kasi ako sa mga ganoon. kakanood ko ng mga anime, japanese, korean, taiwanese dramas, kakabasa ng mga novel at mga manga.. na-develop ang hilig ko sa mga masasayahing bagay, kasama na rin syempre ang romansa. Iyong mga isinulat ko ay naka-script form, kung baga, may mga characters, tapos may semi colon (:) , tapos nandun na ung sasabihin nila.

kagaya nito:

John: Pare, ang cute nung girl dun sa dulo nung pila oh.! tara lapitan natin.
[nauna na si John na pumunta dun sa kinaroroonan ng babae. bigla siyang nadulas sa sobrang pagmamadali at nabagok ang ulo niya. joke lang. pinagtawan siya at tumakbo nalang siya palayo.]

susubukan kong i-type ang mga istoryang ginawa ko at ipo-post ko rin dito. medyo mahaba ang iba dun at punong-puno ng "bluff" mga bagay na wala lang, mga scenes na ginaya ko mula sa mga nabasa at napanood ko.. pero syempre, mas marami naman ang mga ORIGINAL SCENES na ako pa mismo ang nag-isip. Oo, ganyan ako kasipag mag-isip noon. Ewan ko lang ngayon dahil madalas talaga akong atakihin ng "cat-syndrome"<--(oo, gawa-gawa ko lang yang term na yan). Madalas na mas gusto kong matulog at humilatay nalang sa kung saan na mukhang masarap humiga, kagaya ng lapag, carpet, kama, sofa at kahit na sa dalawang upuan na pinagdikit. Ganyan ako kalapit sa mga pusa. Ginagaya ko sila. Kahit saan kaya matulog. Kahit nga sa loob ng kahon ay kaya ko eh. kaso baka naman paggising ko ay hindi ko na mai-unat ang katawan ko.. :) wag naman sana.

At dahil mukhang sinisipag akong mag-type ngayon at medyo.. MEDYO hindi pa ako inaantok.. 12:20 am na ngayon. Grabe. Kung sabagay, nakatulog naman ako kaninang hapon ng 3 oras.. kaya parang bawi na rin to. Teka, nawala na ako sa sinasabi ko.. ano nga ulit yun? Ah oo, dahil ginaganahan pa akong mag-type ngayon sa aking laptop habang nanginginig sa lamig dito sa aking dorm, sisimulan ko nang mag-type ng mga story ko at baka mamaya o bukas ay may mai-post na ako.. yehey..! Nagsusulat na ulit ako..! Parang kanina lang eh noh. ginanahan akong mag-gantsilyo (crochet).. tinapos ko ung pouch? pouch ba yun? ewan ko! mukhang lalagyanan ng kung ano eh. nilagyan ko pa ng lace..! para masabit sa leeg..! balak ko nga ibenta eh. kaso pangit ang pagkakagawa ko at tamad pa akong gumawa ng iba pa para sa mass production (pano kung maraming gustong bumili?)

Haaaay nako. Off-topic nanaman ako.. tsk tsk. eto na nga..

Thursday, December 3, 2009

Napakatamad talaga ni Juan

Alam ko, lahat ng Pilipino aminadong mga tamad. Totoo naman kasi eh. Para kasi sa ating mga Pinoy, ang ideya ng isang maganda at masayang buhay ay iyong wala kang ginagawa, nakahilatay ka lang kung saan habang kumakain ng popcorn at nanonood ng telebisyon. Hindi ba totoo? Mas gusto natin iyong lagi tayong namamahinga sa mga gawain, yung tipong palagi tayong tulog o di naman ay laging nakatunganga.
Heto pa ang ilang mga halimbawa at patunay na ang mga Pinoy ay mga certified tamad.
Isa si Pedro Flores sa mga kilalang pilipinong tamad. Kilala mo ba siya? Siya lang naman ang nakaimbento ng yoyo. Sa sobrang pagkatamad kasi ng mga tao noon na gumamit ng mga old-fashioned na sibat at itak, naisip ni Pedro na "bakit hindi nalang kaya ako gumawa ng paraan para di na ako mapagod mangaso?" Kaya hayun, bigla niyang naimbento ang yoyo. Para po sa impormasyon ng mga hindi pa nakakaalam, ang yoyo po noon ay mayroong mga blade, para ibabato nalang iyon sa hayop na makita at sigurado ay patay na ito, tapos, hihilahin mo nalang iyong tali para bumalik sa iyo iyong "super weapon" mo.
Isa pa sa mga tamad na pilipino si Daniel Dingel. Siya naman ang nakaimbento ng water-powered car. O diba hanep? Hindi mo na kailangan pang pumunta sa mga gasoline station para lang magpa-gas, kailangan lang ay lagi kang may baon na tubig, para instant refill. Hay Naku! Pati ba naman sa pagpapa-gas ay tamad din tayong mga Pinoy? Grabe noh?
Heto ang isa pa. Si Agapito Flores. Siguro naman ay kilala mo na ang isang ito. Hindi parin? Siya lang naman ang nakaimbento ng fluorescent light bulb na malamang ay mayroon diyan sa bahay mo. Alam mo ba kung ano iyon? Sa mga hindi nakakaalam, ang fluorescent light bulb ay iyong ilaw niyo diyan sa inyong mga tahanan na maputi ang kulay. Tipid yan sa kuryente! Eh alam niyo ba kung bakit naimbento ang Fluorescent light bulb na iyan? Inimbento iyan dahil tinatamad na tayong mga pilipinong mag-sindi ng apoy tuwing gabi, o di naman kaya ay tinatamad na tayong magpalit ng gaas sa ating lampara sa tuwing tayo ay magbabasa sa dilim.
O diba totoo? Sabi ko sa inyo tamad ang mga Pinoy eh. Para doon sa mga hindi naniniwala, sigurado akong balang araw ay may maiimbento rin kayong isang bagay na makakatulong sa buhay niyo dahil tamad na kayong gumawa ng isang bagay. Aaminin din ninyo.. Tamad ang mga Pilipino!